Saturday, January 7, 2012

HAPI YU NYIR!

Bago magsimula ang year of the dragon (hindi ako naniniwala sa new year ng Jan.1, hindi pa umeepek yung feng-shui feng-shui nun e), magbabalik-tanaw muna ko sa patapos na "Year of the rabbit".

Bagay na bagay sa taon ko na to ang "Year of the rabbit", ang rabbit kasi puro kain, tulog, saka pa-cute. Pero may mga nagawa naman akong ka-ala-alala ngayong taon, eto ang highlights ng aking year of the rabbit *tug pish!*:

1. Ang unang beses kong kumita ng pera. Unang beses na pinaghirapan, hindi lang yung kupit o tipong buy and sell tapos may tubo, o may pabor na gagawin sa magulang kagaya ng pagbubunot ng uban o buhok sa kili-kili, talagang pinagpawisan! Noong nobyembre kasi, nag-part-time data gatherer ako, nag-survey ako sa mga naninigarilyo, ang hirap pala maghanap ng mga naninigarilyong papayag ma-survey, yung iba magsisindi na nga sasabihin pang "HINDI AKO NANINIGARILYO E".

2. Legal na ako. Hindi na ako menor de edad, kaya para i-celebrate namin ang pagiging binata ko, sabi ng mga kuya ko, kailangan daw akong binyagan. Hindi yung binyag na karaniwang ginagawa sa mga bagong binata, bad yun. Ang ginawa namin nung birthday ko, pumunta kami sa Enchanted Kingdam! :D tapos bininyagan nila ako sa ferris wheel, takot kasi ako dun, ayoko kasi yung pakiramdam ng nasa ere lang tapos nag-aantay, parang sa pag-ibig lang.

3. Muay Thai. Noong sembreak namin, nagsimula akong mag-muay thai, magandang cardio exercise daw kasi, saka para hindi narin ako mahirapan kung sakaling maging aksyon star ako, pangarap ko yun e.

4. Mas matindi pa sa Feng-shui. Ngayong year of the rabbit, marami akong nahulaan, siguro lampas 100 na tao, kaso kagaya ng lagi kong sinasabi sa kanila, lovelife lang kaya kong hulaan, dun lang naman kelangan ng swerte e, yung iba, pinaghihirapan dapat! Nabanggit pala ako sa blog nung isang hinulaan ko (http://saylala.wordpress.com/2011/12/09/awesome-finds-at-the-crsmas-bazaar/), nakakataba ng puso, wala daw akong "quiapo vibe".

5. Dahil nakaktigyawat sa noo. Pinagupit ko na yung bangs ko. At hindi na ko magpapatubo ulit! kahit may bangs pa si Robin Padilla ngayon.

At sa susunod na taon, eto ang mga inaabangan ko:

1. G.I. Joe 2, Expendables 2 at yung bagong sine ni Robin Padilla.
2. Mga bagong laban sa Flip-Top. Ginagawa kong teleserye to e.
3. Mga susunod na laban ni Jon "Bones" Jones. Kasi parang siya si Dhalsim sa Streetfighter.
4. Makauwi sa probinsya namin. At kumain ng empanada at bagnet.
5. Bagong sine ni kim chiu. Sana lang, magkaroon <3


Bago matapos ang year of the dragon, sisiguraduhin kong:

1. Mapapalitan ko na si sho-koy. Medyo matagal na kasi mula nung namatay yung alaga kong fighting fish. kailangan ko ng bagong pampa-swerte, magpapasama ako sa pinsan ko minsan, para me bago na kong pish!
2. Perfect attendance lagi. Sa klase, sa araw ng pag-gy-gym, sa mga lakad kasama ang pamilya. kaya tatapusin ko agad mga asaynment ko! :D
3. Tug-tug-pish! Gusto kong mag-record ng kanta (rap lang!), kahit isa lang, lab song yun sigurado, para sumunod sa yapak ng s2pid love, baka magka-episode din ako sa maalaala mo kaya o kaya sa star confessions ni cristy fermin.

No comments:

Post a Comment