Para sa karamihan, ang matawag na barok ay isang nakakaasar na bagay. Pwede itong mangahulugang “low-tech” ang isang tao, walang urbanidad, o kaya walang modo.
Ang pagtawag ng “barok” sa isang taong walang modo o hiya ay nagsimula noong dekada ’70, kung kalian nagkaroon ng puwang sa kulturang popular (sa komiks at sine) ang karakter na si Barok, isang caveman o “taong bato” na laging may dalang panghataw. Ang karakter na si Barok ay naisapelikula rin at ginanapan ng komedyanteng si Chiquito.
Kung tatawagin kang barok, nakakapagtaka kung hindi ka maiinis o magagalit, ihalintulad ka ba naman sa taong bato, taong bato na isinapelikula ni Chiquito.
Pero ang salitang “barok” ay may iba pang ibig sabihin. Sa probinsya namin, ang ibig sabihin ng “barok” ay binata, iba na ito sa “balong” na ang ibig sabihin ay batang lalaki o “my boy”. Kapag sinabihan ka ng “barok”, binata ka na. Binata ka na, pwede ka ng sumali sa usapan ng matatanda.
Kapag sinabihan ka ng barok, responsibilidad mo na ang sarili mo.
Mahirap yun, may mga bagay namang hindi natin pwedeng itanong sa mga tatay natin (mahirap ng mabisto) o nakakahiyang itanong sa mga kapwa barok natin (mahirap ng ma-chismis).
Isa rin akong barok, at sa abot ng makakaya ko, gusto kong makatulong sa mga poblema ng mga kapwa-barok ko.
Ang blog na ito ay maglalaman ng mga payo sa pagiging mas mabuti, mas sineseryoso, at mas malupit na barok, sa pananamit, sa istilo, sa kalusugan, at ang pinakamahirap na pinagdaraanan ng lahat ng barok, sa pag-ibig.
Image1: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgdNISajRPRCBjQaXeVC2N3LAkfVVoxunfLoNGl5cNJTINGu8WLR8e8ax4e8pJGmxSdjH-fKaFnFYbXFzdbYDGYR2LXo4DJvLz7dYxOSV4hLqNyU9a8vtn9IjB_vmyGdlw-sQ_m_pdIKIo/s400/Tatay+na+si+Barok-79-+Chiquito.JPG
Image 2: http://i2.ytimg.com/vi/2McpkUtQTe0/0.jpg
Image 3: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEirOwAZVorZEls8tjFH3-co6WeXKE3oDZ6k0Ol8JWWXodfrtkuJma_XPihE0_CVey9u048aMPaLL3u4pSGs3V_ReUDONqfdm9KFjb3HhRHoUG3Q_hLYv-Bx5Q5XF7r0X65RzgQAdbbdYIVZ/s320/Barok.bmp
No comments:
Post a Comment