Monday, November 21, 2011

Kung bilanggo ka ng nakaraang pag-ibig.


Isa sa mga pinakamahirap na pagdaraanan ng isang barok ay ang “pagkalimot” nito sa isang nabigong pag-ibig. Kaya  may “” sa “pagkalimot”, kasi imposible talagang makalimot sa isang tao, lalo na iyong hinayaan mong magkaroon ng espesyal na pwesto sa buhay mo, hindi lang ito simpleng “delete” o “erase” . Kung gusto mong mapatuloy sa sarili mong buhay,  tanggapin mo munang nandyan siya, nandiyan ka, at wala na kayo. Kung ang binabalak mo pa rin e mala-“delete” na istilo ng pag-“move-on”, mas mahihirapan ka lang nyan. 

Kung ayaw mong mahirapan, pwede mo namang pakinggan itong mga payo ko para makausad ka na sa buhay mo, at kumonti na ang “airtime” ng chika beybs mo sa isip mo.

Tip#1: Humingi ng “closure”.
Mahirap iyong may kinakapitan ka pa, iyong sa isip mo inaakala mong meron pang natitirang kahit katiting sa “inyo”. Kung siya ang nang-iwan, tanungin mo siya kung wala na talaga, pwede mo ring tanungin kung bakit, pero wag kang aasang totoo iyong isasagot niya. Kung ikaw ang mang-iiwan, siguraduhin mong tapos na talaga, hindi “cool-off” o kung ano pa mang kontrata nyo (na ginagawa nyo lang malamang dahil pareho kayong sigurista).

Tip#2: Alam mo ba kung ano siya?
Kung gusto mo talagang maka-move on, magpakatotoo ka na sa sarili mo. Hindi siya perpekto, iyong mga pambobola mo sakanya noon, hindi ka naman totoo sa mga iyon, siguro nga noong sinasabi mo sakanya iyong mga iyon, kahit ikaw di ka naniniwala sa sarili mo.  At higit sa lahat, kung 10/10 siya sa palagay mo noon, tama na, hindi na kayo, hindi mo na siya ipinagtatanggol sa mga kaibigan mo na nagsasabing 5/10 lang siya, at ng mga negatibong bagay tungkol sakanya. Teka, ngayong wala na kayo, alalahanin mo iyong mga iyon, isulat mo pa sa papel para mas maganda, tapos isipin mo, o kung gusto mo ikonsulta mo pa kahit kanino, siya ba talaga ang gusto mo?

Tip#3:  Tama na.
Kung nakakuha ka na ng “closure”, malamang “friends” na kayo. “Friends”? Pang-showbiz lang iyan, wag ka ng magpaka-sibil, lumayo ka nalang.  Burahin mo iyong number nya, i-unfriend mo sa Facebook, kung kapit-bahay mo siya, umiwas ka nalang. Naalala mo nung wala pa siya sa buhay mo? Kinaya mo naman, anong matinong rason kung ba’t di mo kaya ngayon? Kung sasabihin nilang “bitter” ka, sige makinig ka sakanila, tapos kausapin mo ulit, ang tawag na sa iyo ngayon, “masokista”.

Tip#4: Magtira ka ng ala-ala.

Iyong masasama siyempre. Kahit mag-isa ka nalang, at wala ng paraan para magkita kayo ulit, hindi mo naman maiiwasan na magkaroon ng “senti moment” kung kalian maaalala mo siya, kapag nangyari iyon, kontrahin mo! Mag-isip ka rin ng masamang nangyari sa inyo, tapos ngayon, ngayong napag-isip isip mo na rin kung ano talaga ang nangyari sa inyo, makikita mo, na sa mga nangyari sa inyong masasamang bagay, may kasalanan din siya doon. 

 

Sabi sa video ng “We Found Love” ni Rihanna, “When it’s over and it’s gone, you almost wish that you can have all that bad stuff back so you can have the good.” Kung ganito parin ang drama mo ngayon, malaki ang poblema mo.

Makakatakas na ko, sa wakas.

 Source: Image1: http://d24w6bsrhbeh9d.cloudfront.net/photo/142657_700b.jpg

Saturday, November 19, 2011

Ang Barok


Para sa karamihan, ang matawag na barok ay isang nakakaasar na bagay. Pwede itong mangahulugang “low-tech” ang isang tao, walang urbanidad, o kaya walang modo.
Ang pagtawag ng “barok” sa isang taong walang modo o hiya ay nagsimula noong dekada ’70, kung kalian nagkaroon ng puwang sa kulturang popular (sa komiks at sine) ang karakter na si Barok, isang caveman o “taong bato” na laging may dalang panghataw. Ang karakter na si Barok ay naisapelikula rin at ginanapan ng komedyanteng si Chiquito.

Kung tatawagin kang barok, nakakapagtaka kung hindi ka maiinis o magagalit, ihalintulad ka ba naman sa taong bato, taong bato na isinapelikula ni Chiquito.
Masaya ka pa

Pero ang salitang “barok” ay may iba pang ibig sabihin. Sa probinsya namin, ang ibig sabihin ng “barok” ay binata, iba na ito sa “balong” na ang ibig sabihin ay batang lalaki o “my boy”. Kapag sinabihan ka ng “barok”, binata ka na. Binata ka na, pwede ka ng sumali sa usapan ng matatanda.

Hindi ka na pang- “that’s my boy”
Kapag sinabihan ka ng barok, responsibilidad mo na ang sarili mo.
Mahirap yun, may mga bagay namang hindi natin pwedeng itanong sa mga tatay natin (mahirap ng mabisto) o nakakahiyang itanong sa mga kapwa barok natin (mahirap ng ma-chismis).

Isa rin akong barok, at sa abot ng makakaya ko, gusto kong makatulong sa mga poblema ng mga kapwa-barok ko. 

Ang blog na ito ay maglalaman ng mga payo sa pagiging mas mabuti, mas sineseryoso, at mas malupit na barok, sa pananamit, sa istilo, sa kalusugan, at ang pinakamahirap na pinagdaraanan ng lahat ng barok, sa pag-ibig. 
“Malas mo hindi sakin”
Sources:
Image1: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgdNISajRPRCBjQaXeVC2N3LAkfVVoxunfLoNGl5cNJTINGu8WLR8e8ax4e8pJGmxSdjH-fKaFnFYbXFzdbYDGYR2LXo4DJvLz7dYxOSV4hLqNyU9a8vtn9IjB_vmyGdlw-sQ_m_pdIKIo/s400/Tatay+na+si+Barok-79-+Chiquito.JPG
Image 2: http://i2.ytimg.com/vi/2McpkUtQTe0/0.jpg
Image 3: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEirOwAZVorZEls8tjFH3-co6WeXKE3oDZ6k0Ol8JWWXodfrtkuJma_XPihE0_CVey9u048aMPaLL3u4pSGs3V_ReUDONqfdm9KFjb3HhRHoUG3Q_hLYv-Bx5Q5XF7r0X65RzgQAdbbdYIVZ/s320/Barok.bmp