Sunday, March 25, 2012

Wasak na wasak

Mga men hinay hinay sa pag-inom! eto ang siyam na rason para magdahan-dahan kayo:

1. Nakakaliit yan.
 Ng utak pag naparami.

2. Wapoys #1.
 Mahirap maging mapula pag maitim ka, magiging violet ka.

3. Wapoys #2.
  Nagmomorph yung muka minsan e, pangit tignan sa piksur.

4. Speaking of piksur. 
  I-u-upload yan ng mga kainuman mo, pramis.

5. Instant showbiz ka.
 Ikaw na pag-uusapan pag una kang nakatulog men, bahala ka.

6. Instant showbiz ulit.
 Pag di ka makatulog agad, baka magwawala ka pa, kahit anong mangyari, machichismis ka parin.

7. hik. hik. hik.
  hik ulit.

8. Nakakalaki din yan!
 ng tyan nga lang.

9.  left. right. left. right.
  hindi ka nakakatuwang tignan pag pasuray-suray ka. mag-dougie ka nalang.

Saturday, March 24, 2012

Happiness= Self-talk

Hoy gago usap tayo.

Wag ngayon men maulan e.

Bakit kung maulan? 

Malamig e, saka basta, bagong gising pa ko.

Ano ngayon kung bagong gising ka?

Na kama pa ko men, nakahiga pa ko, conducive sa iyakan to.

Ano nanamang poblema mo?

Wala naman men, wala lang to, wala na rin akong paki.

Talaga?

Anong pinapalabas mo? Apekted ako ganun?

Ikaw nagsabi nyan.

Wala akong sinabi, nagtatanong lang.

Bat puro ka tanong?

Ikaw nga yung kanina pa tanong ng tanong.

Iwas ka ng iwas e.

Wala lang nga yun, kung ayokong pag-usapan, ayoko.

Pwede kang mag-deny sa ibang tao gago, pero sakin, hindi. 

 E alam mo naman pala e, bat mo pa tinatanong. Saka wala na nga e. wala na.

E bat alam ko pa. 

E malay ko, matinde ka e, mga shit nga sa skul nakakabisado mo kahit malalalim e, kasalanan ko ba kung wala kang delete function.

Ano ba kailangan nating kalimutan?

Malay ko.

Malay mo o ayaw mo?

.

Maging sino ka man

 Peyborit movie ko tong sine na to e. Lalo na itong pagtatapat ni Robin ke Sharon. Palagay ko ganito lang dapat e, tipong "wala akong pakialam basta labs kita."

Monday, February 13, 2012

Hapi balemtayms!


Minsan, mukang wala lang talaga akong pakialam. Nag-se-set up pa nga ako lagi ng pader, ayoko kasi ng masyadong maraming tao sa buhay ko. Pwede mong sabihing trust issues o kung anu-ano pang naiisip mong dahilan, pero ayoko lang talagang masyadong maging attached sa ibang tao, cargo lang yung mga yun e. 

 Kung ganito ako, pano pa kaya kung lablayp na ang usapan. Pwede na akong maging referee kasi lagi nalang akong nang-di-disqualify ng mga nakikilala ko. Nakakabwisit naman kasi karamihan ng chika bebe ngayon, kanonood ng pbb nahawa na sa mga kontestant. Andami daming drama. Andami daming issue. Yung iba hindi ko na kinikilala ng lubusan, sayang oras, tapos, poblema nanaman.  

Pero sa isang kagaya kong mahilig sa mga pinoy movie, alam ko, sa ending, may kapares tayong lahat. Wala nga lang mala-mtv na scene na kadalasan e “Awitin mo at isasayaw ko” ang theme song, pero naniniwala ako, meron tayong kapares lahat sa ending.

Yung gusto kong kapares, ayoko yung pili ni mother lily o kung sino pa mang producer dyan, ayoko rin ng fan favorite. Gusto ko, yung gusto ko talaga. Mag-iisang taon na mula nung narinig ko sa radyo na ang “the one daw” ay negotiable. Hanggang ngayon, hindi ko parin maintindihan yun e, basta ang intindi ko dun, walang magsasabi satin kung sino yung kailangan nating ibigin, kung gusto talaga natin, atak na.

Ang gusto ko? Yung mga babaeng mukang malakas. Gusto ko yung tipong kaya akong itakbo palayo, yung kayang tibagin yung pader kong sine-set-up lagi. Ang poblema, wala pa akong napapanod na ganun e, ang alam ko, mga bidang lalaki gumagawa nun. 

Pero, hindi naman sine to e.

Sunday, February 5, 2012

Kung may unlike button lang sana para sa tao e.

Mga fwends, este friends, alam ko may mga friends tayong lahat sa Facebook na napipilitan lang tayong maki prends-prends. Yung tipong kating-kati ka ng i-delete sa friends list mo, kaso, marunong kang makisama e. Eto ang mga sampol ng mga prends na pinapakisamahan nalang natin.

1.) Mga "Tagger". Eto yung mga libangan nila e mang-tag ng mga piksur kahit sabog na sabog ang itsura mo sa mga piksur na yun. Yung itatag ka pa rin kahit hindi ka nakatingin sa kamera o nahuli ka sa pagtalon sa mga walang kamatayang jumpshot nyo.

2.) Mga mahilig sa "Versus photos". Eto yung mga nagphophotoshap ng dalawang piksur tapos lalagyan ng v.s. sa gitna. Tapos may caption na: "Sino mas pogi, hehe". Galangin nyo naman ang mga ina nyong pinagmanahan nyo ng karakas nyo.

3.) Mga "Pa-like". Eto yung mga tipong pa-like ng pa-like ng kung anu-ano. Minsan mga beauty pageant na parang espasol naman ang meyk-ap, minsan mga status nila na patama nila sa kung sinu-sinong umapi sakanila. Pinakamalala yung sarili nilang profile piksur.

4.) Meet the fockers. Eto yung mga ka-apelyido mong nag-aadd sayo, kahit hindi mo naman kamag-anak. Wag mong i-add pare/mare, baka makikihati lang sa mamanahin mong lupain yan.

5.) "Sinasamba kita". Eto yung mga mga comment ng comment sa mga piksur ng babae ng "cute mo naman, hehe". o kaya "ganda u" o mas malala "simply beautiful" (ang lalim!).  Una sa lahat, alam na nila yun. I-like mo nalang dre, naka-ninja moves ka pa.

6.) "Sinasamba kita" ver. 2. Eto naman yung mga post ng post ng may jesus jesus, yung mga tipong "repost this for Jesus". Tuloy nyo lang brothers and sisters. Kunin na sana kayo ni Lord.

7.) "Pa-gift". Eto yung mga hingi ng hingi ng gift, parts, animales, o energy sa mga kung anu-anong larong sila nalang ata ang naglalaro. Kung gusto nila ng energy, mainam ang shabu, tatlong araw silang gising nun.

8.)  "Haters' enemy no. 1". Eto yung mga mahilig magsabi ng "back-off haters" sa panahon ngayon. Pwede pa sana kung nung friendster era e.

9.) "Kumikitang kabuhayan". Eto yung mga nang-ta-tag sayo ng kung-anu-anong paninda nila, mula medyas, pampapayat, pampaputi, minsan pyramiding pa.  Kung kailangan ko kasi, magtatanong ako.

10.) "Mga anak ni Papa Jack". Eto yung mga parang antindi na ng pinagdaanan sa buhay pag-ibig e, dose anyos palang kung makapagsalita na parang na-byudo/ nabyuda na o pinagpalit sa mas bata.Basta ang alam ko lang:

"Ang galing ni God, no? Alam niya kung saan magiging masaya ang tao, kung saan sila pwedeng magmahal at mahalin ng totoo, kung saan yung langit dito sa mundo. Hmm. Kaya pala nilagay niya ko malapit sayo"
-Paki ko kong sino to, basta malupet to

Saturday, January 7, 2012

HAPI YU NYIR!

Bago magsimula ang year of the dragon (hindi ako naniniwala sa new year ng Jan.1, hindi pa umeepek yung feng-shui feng-shui nun e), magbabalik-tanaw muna ko sa patapos na "Year of the rabbit".

Bagay na bagay sa taon ko na to ang "Year of the rabbit", ang rabbit kasi puro kain, tulog, saka pa-cute. Pero may mga nagawa naman akong ka-ala-alala ngayong taon, eto ang highlights ng aking year of the rabbit *tug pish!*:

1. Ang unang beses kong kumita ng pera. Unang beses na pinaghirapan, hindi lang yung kupit o tipong buy and sell tapos may tubo, o may pabor na gagawin sa magulang kagaya ng pagbubunot ng uban o buhok sa kili-kili, talagang pinagpawisan! Noong nobyembre kasi, nag-part-time data gatherer ako, nag-survey ako sa mga naninigarilyo, ang hirap pala maghanap ng mga naninigarilyong papayag ma-survey, yung iba magsisindi na nga sasabihin pang "HINDI AKO NANINIGARILYO E".

2. Legal na ako. Hindi na ako menor de edad, kaya para i-celebrate namin ang pagiging binata ko, sabi ng mga kuya ko, kailangan daw akong binyagan. Hindi yung binyag na karaniwang ginagawa sa mga bagong binata, bad yun. Ang ginawa namin nung birthday ko, pumunta kami sa Enchanted Kingdam! :D tapos bininyagan nila ako sa ferris wheel, takot kasi ako dun, ayoko kasi yung pakiramdam ng nasa ere lang tapos nag-aantay, parang sa pag-ibig lang.

3. Muay Thai. Noong sembreak namin, nagsimula akong mag-muay thai, magandang cardio exercise daw kasi, saka para hindi narin ako mahirapan kung sakaling maging aksyon star ako, pangarap ko yun e.

4. Mas matindi pa sa Feng-shui. Ngayong year of the rabbit, marami akong nahulaan, siguro lampas 100 na tao, kaso kagaya ng lagi kong sinasabi sa kanila, lovelife lang kaya kong hulaan, dun lang naman kelangan ng swerte e, yung iba, pinaghihirapan dapat! Nabanggit pala ako sa blog nung isang hinulaan ko (http://saylala.wordpress.com/2011/12/09/awesome-finds-at-the-crsmas-bazaar/), nakakataba ng puso, wala daw akong "quiapo vibe".

5. Dahil nakaktigyawat sa noo. Pinagupit ko na yung bangs ko. At hindi na ko magpapatubo ulit! kahit may bangs pa si Robin Padilla ngayon.

At sa susunod na taon, eto ang mga inaabangan ko:

1. G.I. Joe 2, Expendables 2 at yung bagong sine ni Robin Padilla.
2. Mga bagong laban sa Flip-Top. Ginagawa kong teleserye to e.
3. Mga susunod na laban ni Jon "Bones" Jones. Kasi parang siya si Dhalsim sa Streetfighter.
4. Makauwi sa probinsya namin. At kumain ng empanada at bagnet.
5. Bagong sine ni kim chiu. Sana lang, magkaroon <3


Bago matapos ang year of the dragon, sisiguraduhin kong:

1. Mapapalitan ko na si sho-koy. Medyo matagal na kasi mula nung namatay yung alaga kong fighting fish. kailangan ko ng bagong pampa-swerte, magpapasama ako sa pinsan ko minsan, para me bago na kong pish!
2. Perfect attendance lagi. Sa klase, sa araw ng pag-gy-gym, sa mga lakad kasama ang pamilya. kaya tatapusin ko agad mga asaynment ko! :D
3. Tug-tug-pish! Gusto kong mag-record ng kanta (rap lang!), kahit isa lang, lab song yun sigurado, para sumunod sa yapak ng s2pid love, baka magka-episode din ako sa maalaala mo kaya o kaya sa star confessions ni cristy fermin.

Sunday, January 1, 2012

10 ginintuang aral mula sa Asiong Salonga: Manila Kingpin

Aral #1: Kahit anong mangyari, wag kang hahagulgol  with matching luhod, hindi lang kaastigan ang pwedeng mawala sayo, baka acting award pa.

Aral #2: Kahit sa tunay na buhay, pwede paring magkaroon ng magandang asawa ang isang hindi kagwapuhang nilalang, kapal ng muka lang ang kelangan.

Aral#3: Maganda talaga pag may kamag-anak kang pulis. Andaming perks.

Aral #4: Wag magduda sa sapatos na chuck taylor, hindi ito nabaduy kahit kelan.

Aral#5: Kahit sa action movie, hindi kailan man naging "bading" ang pag-kagat sa kaaway, wala ng batas batas sa tunay na away.

Aral#6: Wag kalimutang dumalaw/magpakita ng pagmamahal sa mga magulang, nagtatampo rin iyong mga yun.

Aral#7: Maganda talaga ang sine kung hindi lang iyakan ang ginagawa tuwing umuulan.

Aral#8: Maganda talaga ang sine kung pinaghirapan, seryoso to a.

Aral#9: Alalay lang sa pag-gamit ng Photoshop.

   

Aral#10: Kahit anong sabihin ng mga tao, huwag mahiyang maki-pag group picture sa barkada.


Sources: image1: https://fbcdn-sphotos-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash4/399264_148014315308359_100002993735875_214876_1244869850_n.jpg
https://fbcdn-sphotos-a.akamaihd.net/hphotos-ak-snc7/s720x720/390680_341313045879578_301749703169246_1424411_964097181_n.jpg