Saturday, January 7, 2012

HAPI YU NYIR!

Bago magsimula ang year of the dragon (hindi ako naniniwala sa new year ng Jan.1, hindi pa umeepek yung feng-shui feng-shui nun e), magbabalik-tanaw muna ko sa patapos na "Year of the rabbit".

Bagay na bagay sa taon ko na to ang "Year of the rabbit", ang rabbit kasi puro kain, tulog, saka pa-cute. Pero may mga nagawa naman akong ka-ala-alala ngayong taon, eto ang highlights ng aking year of the rabbit *tug pish!*:

1. Ang unang beses kong kumita ng pera. Unang beses na pinaghirapan, hindi lang yung kupit o tipong buy and sell tapos may tubo, o may pabor na gagawin sa magulang kagaya ng pagbubunot ng uban o buhok sa kili-kili, talagang pinagpawisan! Noong nobyembre kasi, nag-part-time data gatherer ako, nag-survey ako sa mga naninigarilyo, ang hirap pala maghanap ng mga naninigarilyong papayag ma-survey, yung iba magsisindi na nga sasabihin pang "HINDI AKO NANINIGARILYO E".

2. Legal na ako. Hindi na ako menor de edad, kaya para i-celebrate namin ang pagiging binata ko, sabi ng mga kuya ko, kailangan daw akong binyagan. Hindi yung binyag na karaniwang ginagawa sa mga bagong binata, bad yun. Ang ginawa namin nung birthday ko, pumunta kami sa Enchanted Kingdam! :D tapos bininyagan nila ako sa ferris wheel, takot kasi ako dun, ayoko kasi yung pakiramdam ng nasa ere lang tapos nag-aantay, parang sa pag-ibig lang.

3. Muay Thai. Noong sembreak namin, nagsimula akong mag-muay thai, magandang cardio exercise daw kasi, saka para hindi narin ako mahirapan kung sakaling maging aksyon star ako, pangarap ko yun e.

4. Mas matindi pa sa Feng-shui. Ngayong year of the rabbit, marami akong nahulaan, siguro lampas 100 na tao, kaso kagaya ng lagi kong sinasabi sa kanila, lovelife lang kaya kong hulaan, dun lang naman kelangan ng swerte e, yung iba, pinaghihirapan dapat! Nabanggit pala ako sa blog nung isang hinulaan ko (http://saylala.wordpress.com/2011/12/09/awesome-finds-at-the-crsmas-bazaar/), nakakataba ng puso, wala daw akong "quiapo vibe".

5. Dahil nakaktigyawat sa noo. Pinagupit ko na yung bangs ko. At hindi na ko magpapatubo ulit! kahit may bangs pa si Robin Padilla ngayon.

At sa susunod na taon, eto ang mga inaabangan ko:

1. G.I. Joe 2, Expendables 2 at yung bagong sine ni Robin Padilla.
2. Mga bagong laban sa Flip-Top. Ginagawa kong teleserye to e.
3. Mga susunod na laban ni Jon "Bones" Jones. Kasi parang siya si Dhalsim sa Streetfighter.
4. Makauwi sa probinsya namin. At kumain ng empanada at bagnet.
5. Bagong sine ni kim chiu. Sana lang, magkaroon <3


Bago matapos ang year of the dragon, sisiguraduhin kong:

1. Mapapalitan ko na si sho-koy. Medyo matagal na kasi mula nung namatay yung alaga kong fighting fish. kailangan ko ng bagong pampa-swerte, magpapasama ako sa pinsan ko minsan, para me bago na kong pish!
2. Perfect attendance lagi. Sa klase, sa araw ng pag-gy-gym, sa mga lakad kasama ang pamilya. kaya tatapusin ko agad mga asaynment ko! :D
3. Tug-tug-pish! Gusto kong mag-record ng kanta (rap lang!), kahit isa lang, lab song yun sigurado, para sumunod sa yapak ng s2pid love, baka magka-episode din ako sa maalaala mo kaya o kaya sa star confessions ni cristy fermin.

Sunday, January 1, 2012

10 ginintuang aral mula sa Asiong Salonga: Manila Kingpin

Aral #1: Kahit anong mangyari, wag kang hahagulgol  with matching luhod, hindi lang kaastigan ang pwedeng mawala sayo, baka acting award pa.

Aral #2: Kahit sa tunay na buhay, pwede paring magkaroon ng magandang asawa ang isang hindi kagwapuhang nilalang, kapal ng muka lang ang kelangan.

Aral#3: Maganda talaga pag may kamag-anak kang pulis. Andaming perks.

Aral #4: Wag magduda sa sapatos na chuck taylor, hindi ito nabaduy kahit kelan.

Aral#5: Kahit sa action movie, hindi kailan man naging "bading" ang pag-kagat sa kaaway, wala ng batas batas sa tunay na away.

Aral#6: Wag kalimutang dumalaw/magpakita ng pagmamahal sa mga magulang, nagtatampo rin iyong mga yun.

Aral#7: Maganda talaga ang sine kung hindi lang iyakan ang ginagawa tuwing umuulan.

Aral#8: Maganda talaga ang sine kung pinaghirapan, seryoso to a.

Aral#9: Alalay lang sa pag-gamit ng Photoshop.

   

Aral#10: Kahit anong sabihin ng mga tao, huwag mahiyang maki-pag group picture sa barkada.


Sources: image1: https://fbcdn-sphotos-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash4/399264_148014315308359_100002993735875_214876_1244869850_n.jpg
https://fbcdn-sphotos-a.akamaihd.net/hphotos-ak-snc7/s720x720/390680_341313045879578_301749703169246_1424411_964097181_n.jpg

Para sa mga me bebe gurl na kumukuha ng narsing...

o med-tech o kahit medicine pa, kung gusto nyo ng pogi points, pwede nyong itext ng installment itong tula na to, malay mo i-google nila pag sa peysbuk mo sinend. Hindi naman malalalim ang mga salita neto, saka wala namang mga cheesy na pangako, kaya hindi ka mukang bolero.


May sakit ba ako kung tumitibok ng sobrang bilis?
Pati panlasa ko, ba’t yung kape, antamis.
Malala ba kung di na ko makatulog pag gabi?
Terminal na ata pag irrhyme ko pa sa “tabi”.
Ayokong gumaling, pag ang nireseta, pampakalma.
Kaya ko pa naman ata, ang layo ng puso sa bituka.
Ayokong mag-biogesic, ayoko kasing mag-ingat.
Kung sugat ka, ayos lang sakin na magpeklat,
Para permanent, gusto ko yung pangmatagalan.
Para ka kasing injection, nakakatakot pero kelangan.

At isa pang paalala, wag itong i-text ng shortcut, wag lagyan ng hehe (panindigan mo naman men), at bawasan ang mga smiley, sobra ka na sa pa-cute e.